Thursday, May 2, 2024

Notice of termination ng VFA natanggap na ng US Embassy

- Advertisement -

Natanggap na ng embahada ng Amerika ang notice of termination na ipinadala ng Pilipinas para kanselahin ang Visiting Forces Agreement (VFA).

Ito ang kinumpirma ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr.

Aniya, tinanggap ang notice ng deputy chief mission ng US embassy.

Kanina lamang umaga ay inanunsiyo ni DFA Undersecretary Brigido Dulay na nilagdaan na ni Locsin ang notice at agad din itong ipadadala sa US embassy.

Mananatiling epektibo ang ang kasunduan sa loob ng 180 araw bago ma – terminate alinsunod na rin sa article 19 ng VFA.

Una nang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkalas ng bansa sa VFA matapos ang aniya’ y pakikialam ng Amerika sa soberenya ng Pilipinas matapos na kanselahin nito ang US visa ni Senador Ronald Bato Dela Rosa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img