NoKor nagpositibo sa African swine flu

0
60

Nag positibo sa african swine flu ang North Korea.

Ito ang iniulat ng Pyongyang sa World Organization for Animal Health matapos na maitala ang naturang sakit sa isang farm sa Northern Jagang Province malapit sa border ng China.

Pinangangambahan namang makadadagdag pa ang outbreak sa nararanasang food crisis sa North Korea.

Kaugnay nito, binabantayan naman ng South Korea ang mahigit 300 babuyan na malapit sa North Korean border.