Mga matataas na Filipino Diplomats sa Canada pinababalik na ni DFA Sec.Locsin Jr.

0
42

Pinababalik na ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. ang matatas na Filipino Diplomats sa Canada.

Kasunod ito ng paglalayag na ng barkong may lulan ng mga tone-toneladang basura ng Canada pabalik ng nasabing bansa.

Sa kanyang Twitter Post, humingi rin ng paumanhin si Locsin sa mga Filipino Diplomat sa nangyari.

Magugunitang, ni-recall ng pamahalaan ang Ambassador ng Pilipinas sa Ottawa at iba pang opisyal ng konsulada matapos mabigo ang Canada na maibalik sa kanilang bansa ang mga basurang itinambak sa Subic noong Mayo15.