Walang dahilan para palitan si SP Sotto – Lacson

0
44

Iginiit ni Senador Panfilo Lacson na walang dahilan para palitan si Senate President Tito Sotto.

Ayon kay Lacson, batay sa kanilang paguusap ng mga kasamang senador ay nagkakaisa sila na kuntento sila sa pamumuno ni Sotto.

Una nang lumutang na nais ng ilang papasok na bagitong senador na palitan ang pinuno ng senado.

Kaugnay nito, handa naman si Lacson na magpaikot ng resolusyon para mangalap ng lagda para malaman kung sino ang sumusuporta pa at hindi na kay Sotto bilang senate president.