Saturday, May 4, 2024

NoKor leader Kim Jong Un buhay, maayos ang lagay

- Advertisement -

Buhay at maayos ang lagay ni North Korean Leader Kim Jong Un.

Ito ang inihayag ni South Korean President’s Special Adviser on National Security Moon Chung-In, kasunod ng mga espekulasyong nasawi ang leader ng North Korea matapos sumailalim sa cardiovascular procedure.

Ayon kay Moon, kasalukuyang nananatili si Kim sa Wonsan –isang resort town sa silangang bahagi ng North Korea simula pa noong ika-13 ng Abril.

Aniya, wala pa silang namomonitor na anumang kahina-hinalang paggagalaw sa nabanggit na lugar kaya nakatitiyak silang buhay pa ito.

Kumalat ang balitang malubha ang kalusugan ni Kim matapos itong hindi makita sa selebrasyon ng kaarawan ng kanyang lolo at founder ng North Korea na si Kim Il Sung noong ika-15 ng Abril.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img