Barkong binangga ng Chinese vessel sa Recto Bank nakapaglayag na muli

0
15

Muli nang nakapaglayag muli sa karagatan ang F/B GEM-VER UNO matapos ang limang buwang rehabilitasyon dito.

Magandang kalagayan ng panahon ang naging hudyat sa mga tripulante nito upang maglayag muli pabalik sa Recto Bank.

Gayunman, hindi na si Junel Insigne ang siyang kapitan ng nasabing barko nang pababain ito ng may-ari matapos ang insidente.

Magugunitang binangga ng isang Chinese Fishing Vessel ang GEMVER UNO noong Hunyo sa bahagi ng Recto Bank na isa sa mga pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

Iniwang palutang-lutang ang mga sakay ng F/B GEMVER UNO sa gitna ng karagatan subalit nasagip din naman ito ng nagmagandang loob na Vietnamese fishing vessel.