‘No face shield no entry’ sa Kampo Krame ipapatupad ng PNP

0
11

Magpapatupad ng “no face shield no entry” Philippine National Police (PNP) sa kanilang head quarters sa Kampo Krame, Quezon City.

Sakop nito ang lahat ng mga pulis, civilian employees at iba pang bisitang papasok sa loob ng kampo.

Epektibo ang kautusan, simula sa Lunes Agosto a-18.

Ayon kay PNP Deputy Chief of Administration Police Lt. General Camilo Cascolan, ipatutupad ang kautusan bilang bahagi ng mga hakbang para mapigilan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Kasabay nito, umapela si Cascolan na sundin ang lahat ng umiiral na health protocols para sa kaligtasan ng lahat mula sa hawaan ng virus.

Samantala, ipinaalala naman ng PNP headquarters support service na epektibo pa rin sa loob ng kampo ang curfew mula alas diyes ng gabi hanggang alas-5 ng umaga. —ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)