Taas presyo sa mga produktong petrolyo asahan sa susunod na linggo

0
13

Asahan na naman ang panibagong taas presyo sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Batay sa pagtaya ng ilang mga kumpanya ng langis, maglalaro sa P0.60 hanggang P0.70  ang dagdag presyo sa kada litro ng gasolina.

Habang posible namang walang maging paggalaw o tumaas ng hanggang P0.10 kada litro ang presyo ng diesel.

Gayundin sa kerosene na tinatayang hanggang limang sentino kada litro ang magiging pagtaas.