No. 24 jersey number nina Ravena at Manuel aprub na sa PBA

No. 24 jersey number nina Ravena at Manuel aprub na sa PBA

by Powered by DWIZ
40 views

Inaprubahan na ng PBA ang hirit nina Kiefer Ravena ng NLEX at Vic Manuel ng Alaska na gamitin ang No. 24 ngayong taon sa kanilang jersey bilang pagpupugay sa yumaong NBA legend na si Kobe Bryant.

Ayon kay PBA commissioner Willie Marcial, kapwa masugid na tagahanga ni Bryant ang dalawang manlalaro.

Paliwanag ni Marcial, walang problema sa liga at hindi isyu ang magpalit ng jersey number basta’t mag-abiso lamang nang maaga sa kanila.

Matatandaang no. 87 ang orihinal na number na gamit Manuel habang no. 15 naman ang kay Ravena.

0 comment

Related Posts