Friday, May 3, 2024

NLEX Harbor Link Segment 10 bubuksan na ngayong buwan

- Advertisement -

Nakatakdang nang buksan ng Department of Public Works and Highways ang North Luzon Expressway Harbor Link Segment 10 ngayong buwan.

Ayon kay Public Works Secretary Mark Villar, tatagal na lamang ng 10 minuto ang biyahe mula at pabalik ng C-3 Road sa Caloocan at NLEX partikular sa Karuhatan at Mindanao Exits.

Dahil dito, inaasahang mababawasan ang traffic congestion sa Metro Manila lalo sa Camanava Area at Edsa-Balintawak.

Sa sandaling buksan ang Segment 10, nasa 30,000 sasakyan ang inaasahang daraan at babagtas sa mga lungsod ng Valenzuela, Malabon at Caloocan.

Kasabay ng pagbubukas ng Harbor Link Segment 10 ang partial opening ng bagong Caloocan Interchange sa kanto ng C-3 Road, 5th Avenue at A. Mabini Street at magiging ika-apat na  gateway ng NLEX sa Metro Manila.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img