NKTI nananatiling bukas para sa COVID-19 PUIs

NKTI nananatiling bukas para sa COVID-19 PUIs

by Powered by DWIZ
26 views

Nananatiling bukas ang National Kidney and Transplant Institute (NKTI)  para sa mga persons under investigation (PUI) sa sakit na coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon sa pamunuan ng NKTI, mananatili silang tatanggap ng pui patients bilang tulong narin sa  Research Institute For Tropical Medicine (RITM) at Lung Center of the Philippines (LCP) na siyang referral hospitals para sa COVID-19.

Samantala, humihingi naman ng donasyon ang ospital para sa personal protective equipments (PPE) para sa kanilang mga frontliners.

Magugunitang una nang nagbigay ng pahayag ang naturang ospital na hindi sila tatanggap ng mga pasyente na posibleng positibo sa COVID-19 para maiwasan umano ang kompromiso sa kalusugan ng kanilang pasyente.

0 comment

Related Posts