10,000 preso sa Afghanistan nakatakdang palayain dahil sa COVID-19

10,000 preso sa Afghanistan nakatakdang palayain dahil sa COVID-19

by Powered by DWIZ
80 views

Nakatakdang palayain sa Afghanistan ang 10,000 preso na nasa 55 taong gulang pataas, upang mapigilan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Afghanistan Official in President Ashraf Ghani, bukod sa mga presong 55 taong gulang, papakawalan rin ang mga may problema sa kalusugan at mga babae.

Hindi aniya kasama sa papalayain ang mga miyembro ng islamist militant groups na taliban o islamic state.

Samantala, nag isyu na ang presidente ng Afghanistan ng kautusan kung saan kokompletuhin ang pagproseso ng pagpapalaya sa loob ng sampung araw.

Sa ngayon, nakapagtala na ang Afghanistan ng 91 kumpirmadong kaso at tatlong pagkasawi dahil sa COVID-19.

0 comment

Related Posts