Isang eskwelahan sa San Juan ginawang quarantine facility para sa PUI ng COVID-19

Isang eskwelahan sa San Juan ginawang quarantine facility para sa PUI ng COVID-19

by Powered by DWIZ
25 views

Ginawang quarantine facility ng lokal na pamahalaan ng San Juan ang isang eskwelahan sa lungsod para sa mga persons under investigation (PUI) sa sakit na coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Mayor Francis Zamora, ang bagong building ng San Juan City Science High School ay gagawing 110-bed quarantine facility.

Aniya, pangangasiwaan ito ng San Juan Medical Center at City Health Office.

Gagawin rin aniya itong staging area para sa mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 bago i-admit sa San Juan Medical Center.

Bukod sa hospital beds, dadagdagan rin ang pasilidad ng mobile x-rays, medical supplies at mga gamot.

Sa ngayon nasa 44 na ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa San Juan City.

0 comment

Related Posts