Nietes babakantehin ang Bantamweight title

0
55

Babakantehin na ni Filipino Champion Donnie “Ahas” Nietes ang kanyang Junior Bantamweight title.

Ito ang naging desisyon ni Nietes matapos ayawan ang mandatory rematch sa kapwa Pilipinong si Aston Palicte.

Matatandaang naglaban sina Nietes at Palicte sa title eliminator noong Setyembre kung saan nauwi ito sa split draw.

Ayon kay Nietes, walang dahilan para muli silang maglaban ni Palicte matapos ang naturang kontrobersyal na draw.

Target naman ngayon ni Nietes ang mas malalaking world championships.