Halos 29 na floats makikilahok sa Panagbenga Festival sa Baguio City

0
49

Aabot sa 29 na floats ang makikibahagi para sa 24th Panagbenga Festival sa Baguio City  bukas.

Bukod pa ito sa 17 grupo na magtatagisan naman sa ‘Creative Street Dancing Competition’.

Maliban sa mga taga Cordillera, makikilahok din sa naturang mga kompetisyon ang mga  grupo mula sa ibang lugar.

Dahil dito, inaasahan na ang dagsa sa Baguio City kabilang ang mga rutang daraanan ng parada.