Paghahanap ng susunod na kandidata ng Binibining Pilipinas nagsimula na

0
58

Nagsimula na ang taunang paghahanap para sa mga susunod na kandidata ng ‘Binibining Pilipinas’ 2019.

Ito ang unang pagkakataon na nagsimula ang annual search ng ganito kaaga at sa buwan ng Marso.

Ayon sa organizers, ang deadline ng pagpapasa ng aplikasyon ay hanggang Marso 15.

Ang grand coronation ng ‘Binibining Pilipinas’ 2019 pageant ay gaganapin sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City sa Hunyo.

Taliwas ito sa mga nakaraang kompetisyon kung saan ginaganap ang Binibining Pilipinas tuwing Disyembre.

Sa ika-55 taon ng Binibining Pilipinas pageant, kabilang sa mga international pageants na padadalhan nito ng mga pambato ng Pilipinas ang Miss Universe, Miss International, Miss Supranational, Miss Intercontinental, Miss Grand International at Miss Globe.