Monday, May 6, 2024

NGCP tinanggal na ang yellow alert status sa Luzon grid

- Advertisement -

Tinanggal na ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP ang yellow alert status sa Luzon grid dakong alas 10:30 kagabi.

Ayon sa NGCP, inalis na nila ang yellow alert status matapos na bumaba na ang demand ng suplay ng kuryente.

Matatandaang, alas 8:00 ng umaga kahapon, nang ianunsyo ng NGCP ang yellow alert status sa Luzon grid makaraang umabot sa 11,095 megawatts ang available capacity ng kuryente, habang nasa 10,300 megawatts naman ang peak demand nito.

Nagresulta sa pagkawala ng kuryente sa ilang lugar sa rehiyon ang yellow alert status na idineklara ng Luzon grid.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img