Eastern Samar niyanig ng magnitude 4.2 na lindol

0
91

Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang Eastern Samar ganap na 10:35 kagabi.

Namataan ng PHIVOLCS ang episentro ng lindol, hilagang-silangan ng bayan ng Mercedes.

Tectonic umano ang origin ng lindol na may lalim na isang kilometro.

Wala namang napaulat na nasaktan o napinsala sa nangyaring pagyanig kung saan wala ring inaasahang ano mang aftershocks.