30.6 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Founder ng Kapa Ministry tinutugis na ng NBI

- Advertisement -

Sinimulan nang tuntunin ng National Bureau of Investigation o NBI at iba pang law enforcement agency ang kinaroroonan ng founder ng Kapa Community Ministry International Incorporated na si Pastor Joel Apolinario.

Ito’y kahit na wala pang iniisyung warrant of arrest ang korte laban kay Apolinario at iba pa nitong kasamahan sa Kapa na pawang sinampahan ng patung-patong na kaso ng Security and Exchange Commission o SEC.

Sinabi ni NBI Regional Director Atty. Patricio Bernales na inatasan na sila ng isa sa mataas nilang opisyal na ipunin na ang lahat ng hawak nilang ebidensya laban sa grupo ni Apolinario.

Magugunitang nakumpiska na ng NBI ang lahat ng mahahalagang dokumento noong hinalughog nila ang dalawang tanggapan ng Kapa sa mga bayan ng Opol, Misamis Oriental at Valencia City na sinaksihan mismo ni Sec. Regional Director Atty. Reynato Egypto.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -