NFA inaming iniipit ang supply ng bigas

0
87

Inamin ngayon ng National Food Authority (NFA) na iniipit nila ang suplay ng bigas sa Metro Manila.

Ayon sa NFA, sinadya nilang itigil muna ang pagsusuplay sa ilang retailer na nagtitinda ng parehong commercial rice at NFA rice.

Paliwanag ng ahensya, prayoridad ng NFA ang mga institutionalize bigasan sa palengke na purong NFA rice lamang ang tinda.

Iginiit ng NFA na hindi kailangang   damihan ang suplay ng NFA rice sa palengke dahil may suggested retail price na sa bigas.

Sa datos ng NFA, may 50,000 bigas pa ang natitira sa kanilang warehouse sa buong NCR.