Ika-pitong big time roll back sa langis sinimulan nang ipatupad

0
52

Nagpatupad ng buena manong big time roll back ang Phoenix Petroleum ngayong araw.

Epektibo kaninang alas dose uno ng hatinggabi, nagtapyas ng Phoenix ng P1.10 sa kada litro ng kanilang gasolina at P2.25 naman ang bawas sa kanilang diesel.

Inaasahan namang susunod na ring mag-anunsyo ngayong weekend ang iba pang kumpanya ng langis.

Ito na ang ika-pitong linggong sunod na roll back sa mga produktong petrolyo.