Mahigit 17,000 job orders ng isang bagong programa alok sa Japan

0
54

Good news para sa mga Pinoy na nais mangibang bansa.

Inihayag ng Department of Labor and Employment (DOLE) na mahigit 17,000 job orders sa ilalim ng isang bagong programa ang alok ng bansang Japan.

Gayunman, inaasahang mas dadami pa ito hanggang sa 100,000.

Ayon sa DOLE, sa ilalim ng Technical Internship Training Program (TITP), i-dedeploy ang isang aplikante bilang trainee pero makatatanggap pa rin ng sahod at benepisyo gaya ng isang regular na manggagawa.

Nabatid na sasailalim muna sa libreng training ang mga manggagawa kabilang na ang pagkakaroon ng basic Nihongo habang ang iba pang language training ay sa Japan na itutuloy.