Negosyante patay sa pamamaril sa Quezon City

0
43

Patay ang isang negosyante matapos pagbabarilin sa likod ng isang kilalang supermarket sa Balintawak Cloverleaf, Quezon City kaninang umaga.

Kinilala ng La Loma Police Station 1 ang biktima na si Hanson Maranan, 44 na taong gulang at kilalang negosyante sa Balintawak.

Ayon sa La Loma Police Station 1 Commander Lt/Col. Camlon Nasdoman, nakatayo lamang ang biktima sa harap ng kaniyang tindahan nang lapitan ito ng dalawang salaring sakay ng motorsiklo .

Doon na isinakatuparan ng dalawang salarin ang kanilang masamang balak laban sa biktima na siyang sanhi ng agaran nitong kamatayan at nakuha mula sa pinangyarihan ng krimen ang isang cellphone ng biktima at walong basyo ng bala.

Kasalukuyang iniimbestigahan ng pulisya ang motibo sa pananambang at susuriin din ang CCTV sa lugar upang makilala ang mga salarin bagama’t ayon sa mga ka-anak ni Maranan ay kilala itong mabait at wala naman silang matadaan na mayroon itong nakaaway.