Pagsabog sa Maynila walang kinalaman sa terorismo – NCRPO

0
56

Malinaw na mayroong kapabayaan sa nangyaring pagsabog sa isang yogurt house sa Sampaloc, Maynila kaninang umaga.

Ito ang inihayag ni National Capital Region Police Office Chief Police Maj/Gen. Guillermo Eleazar matapos niyang inspeksyunin ang blast site.

Kasunod nito, kinalma ni Eleazar ang publiko hinggil sa pangambang isa iyong uri ng pag-atake ng mga terorista at iginiit na wala itong kaugnayan sa terorismo.

Una nang tinututukan ng mga tauhan ng Explosives Ordinance Division (EOD) ng pulisya ang anggulong gas leak sa nangyaring pagsabog.