James Reid umatras na sa pagganap bilang Pedro Penduko

0
52

Umatras na ang aktor na si James Reid sa pagganap bilang si Pedro Penduko sa pelikula.

Ito ay dahil sa tinamong spinal injury na pumipigil sa kanya para gawin ang proyekto.

Sa ipinalabas ng pahayag ng management ni James, inilahad na sumasailalim ngayon ang aktor sa therapy at gamutan na magiging hadlang para magawa nito ang ilang matitinding pagsasanay at major stunts na kinakailangan para sa pelikulang Pedro Penduko.

Ayon pa sa Viva, ang management ni James, tinanggap na nila ang pag-withdraw ng aktor sa proyekto at kasalukuyang naghahanap ng kapalit.

Gayunman, wala naman anilang dapat na ikalungkot ang mga fans ni James dahil magkakaroon naman ito ng pelikula kasama ang kanyang real life partner na si Nadine Lustre.

Magsasama ang JaDine sa remake ng 2011 Korean film na “Spellbound” (My Girlfriend Can See Ghosts).