Tuesday, May 7, 2024

NEDA tiwalang maiibsan ng bahagya ang inflation

- Advertisement -

Tiwala si National Economic and Development Authority (NEDA) Director General Ernesto Pernia na maiibsan ng bahagya ang inflation sa buwang ito.

Kasunod na rin ito ng epekto ng Administrative Order No. 13 na nagpapagaan sa importasyon ng agricultural goods.

Sinabi ni Pernia na malaki ang magiging epekto sa inflation ng nasabing kautusan dahil mapapababa nito ang presyo ng bigas, karne at isda.

Dahil sa naturang kautusan na nilagdaan ng Pangulong Rodrigo Duterte nuong nakalipas na buwan ipinabatid ni Pernia na maaring sa buwang ito ay maitala na lamang sa 6.5 percent ang inflation rate.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img