Duterte nakatakdang bumisita sa Boracay

0
56

Mahigpit na ang ipinatutupad na seguridad sa loob at labas ng Boracay dahil sa nakatakdang pagdating dito ng Pangulong Rodrigo Duterte mamayang alas tres ng hapon.

Pangungunahan ng Pangulong Duterte ang pamamahagi ng mahigit tatlong ektaryang lupain sa Barangay Manocmanoc sa mga katutubong ati bilang pagkilala sa mga ito na mga kauna-unahang nanirahan sa isla.

Ayon kay DAR Regional Director Stephen Leonides, 44 na pamilya ang bibigyan ng apat na certificates of land ownership awards.

Plano rin aniya nilang isailalim sa agricultural training ang mga katutubong beneficiary para ang mga ito na ang mag supply ng gulay at iba pang pananim sa mga hotel at restaurant sa isla.

Maliban sa Boracay nasa dalawandaang ektarya pang lupain ang ipapamahagi sa iba pang bayan sa Aklan ngayong araw na ito.

Kasabay nito binalaan ng DAR ang mga beneficiary na bawal ibenta o paupahan ang lupa sa loob ng 10 taon at kung hindi ay maaari itong bawiin at ibigay sa ibang magsasaka.