Friday, May 3, 2024

‘Emergency power’ ni Duterte pirmado na laban sa COVID-19

- Advertisement -

Pirmado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang batas na nag bibigay sa kaniya ng karagdagang kapangyarihan upang matugunan ang pangangailangan ng bansa laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ito mismo ang kinumpirma ni Senator Christopher “Bong” Go matapos na ipasa ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang nasabing panukala sa pamamagitan ng isang marathon session.

Sa ilalim ng bayanihan to Heal One Act, tatagal ng tatlong buwan ang emergency powers ng pangulo maliban na lamang kung palalawigin ito ng Kongreso.

Kabilang sa magiging kapangyarihan ng pangulo ay ang pag gamit sa ibang bagay o ang pag lipat ng mga nakalaang pondo  sa ilalim ng 2020 national budget para sa pagbili ng mga medical supplies at iba pang bagay para matugunan ang COVID-19.

Binibigyan din nito ng kapangyarihan ang pangulo na pabilisin at pa palawakin ang COVID-19 testing.

Habang magkakaroon din ng kapangyarihan si pang. Duterte na pansamantalang pangasiwaan ang mga pribadong kumpanya kagaya ng ospital, medical and health facilities, kung kinakailangan.

Sa ilalim din nito, makatatanggap ng risk allowance ang lahat ng health workers na tumutulong upang malabanan ang COVID-19.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na makatitiyak ang publiko na lahat ng magiging hakbang ng pangulo sa ilalim ng karagdagang kapangyarihan sa kaniya ay naayon sa saligang batas.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img