NDRRMC may panawagan sa publiko sa mga ‘safety protocols’ vs COVID-19

0
20

Nananawagan ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa publiko na palaging gawin ang social distancing sa gitna ng ipinatutupad na enhanced community quarantine sa Luzon.

Naniniwala si NDRRMC Spokesperson Mark Timbal, malaki ang posibilidad na hindi na makahawa pa ang mga positibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) kung oobserbahan ang social distancing.

Kapansin-pansin kasi na nagkukumpulan parin ang mga tao sa Luzon partikular na sa Metro Manila.