Hawaii Rep. Gabbard umatras na rin sa pagtakbo bilang pangulo ng USA

0
22

Tuluyan nang umatras sa pagtakbo bilang pangulo ng Estados Unidos si Hawaii Representative Tulsi Gabbard.

Ayon kay Gabbard, kanya na lamang i-eendorso si dating U.S Vice President Joe Biden dahil ang katangian nito ang karapat dapat na umanoy iboto sa U.S. Presidencial race.

Lumabas naman sa resulta ng primary election noong martes na nakuha ni Biden ang boto sa Arizona, Florida, at Illinois kung  kaya’t kumpiyansa ang mga taga-suporta nito na matatalo nito si U.S. President Donald Trump sa general election.

Samantala, magugunitang una nang umatras sa U.S. Presidential race Sina U.S. Senator Elizabeth Warren at former New York City Mayor Michael Bloomberg para suportahan si biden laban kay Trump.