NCRPO pinag aaralan kung paano mare-resolba ang mga insidente ng bandalismo sa Maynila

0
24

Pag aaralan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) kung paano mareresolba ang mga insidente ng bandalismo sa Maynila.

Ipinabatid ni NCRPO Acting Director Brigadier General Debold Sinas na gagawa siya ng pag aaral upang makaisip ng maayos na paraan para maiwasan ang bandalismo sa lungsod at nakikipag ugnayan na rin sila sa Manila City Government hinggil dito.

Kasabay nito, hinimok ni Sinas ang publiko na huwag sirain ang mga pampublikong pag aari ng lungsod dahil para rin naman ito sa taumbayan.