Pagpupuslit ng agri products sa bansa inimbestigahan ng D.A

0
16

Inimbestigahan na ng Department of Agriculture ang mga sariling tauhan nito sa posibleng pagkakasangkot sa pagpupuslit ng agricultural products sa bansa.

Ipinabatid ito ni Agriculture Secretary William Dar kasunod na rin aniya ng pagbaha ng agricultural products sa merkado.

Inamin ni Dar na problema nila ang aniya’y kutsabaan ng mismong mga tauhan nila sa Bureau of Animal Industry kaya’t nakakalusot o iligal na nakakapasok ang mga nasabing agricultural product sa bansa.

Malaki aniyang pera ang sangkot sa pagpupuslit ng mga nasabing produkto.

Kasabay nito, ipinabatid ni Dar ang naitimbre nila sa Bureau of Customs hinggil sa pag recycle ng importers ng import clearance para sa rice shipments.