Mga magsasaka sa Nueva Ecija hirap nang pag abutin ang kanilang kita para sa kanilang pangangailangan

0
23

Hirap ang mga magsasaka mula sa Nueva Ecija na pag abutin ang kanilang kita para sa kanilang pangangailangan.

Sa gitna na rin ito nang pagbagsak ng presyo ng palay sa 12 pesos mula sa 17 pesos kada kilo.

Ayon sa mga magsasaka, bahagi ng bayarin nila ay napupunta sa operator ng tractor o sampu sa kada 100 sako ng naaning palay ay napupunta sa operator bilang bayad.

Binabayaran din ng mga magsasaka ang mga naglalatag ng kanilang palay mula sa farm ng 40 piso kada sako.

Sinabi ng mga magsasaka na ang nasabing pagbaba ng presyo ng palay ay kauna unahang nangyari.

Bukod pa sa gastusin sa pataba at gasoline, tanging ang interest na lamang umano sa kanilang mga loan ang nababayaran nila.