Thursday, May 16, 2024

NCRPO naglibot sa ilang bus terminals sa Quezon City

- Advertisement -

Naglibot si NCRPO Director Major General Guillermo Eleazar sa ilang bus terminals sa Cubao, Quezon City.

Ito ay upang inspeksyunin ang mga nasabing terminal bilang bahagi ng paghahanda sa darating na Semana Santa.

Nakipag-ugnayan din si Eleazar sa mga guwardiya ng mga pinuntahan nitong bus terminals para matiyak din ang seguridad ng mga pasaherong inaasahang bibiyahe pauwi ng mga lalawigan ngayong Holy Week.

Kasabay nito, pinaalalahanan naman ni Eleazar ang publiko na sundin ang mga ipinatutupad na security measures ng pulisya at security guards sa mga terminal.

Pinayuhan din ng PNP ang mga pasahero na dumating sa mga bus terminal, pantalan at paliparan lalo na kung may kasamang bata o senior citizens, i-secure ang mga ticket at passports, iwasang magsuot ng mga mamahaling alahas, bantayan ang mga dalang gamit at manatiling nakaalerto.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -