China muling nanindigan na bahagi ng kanilang teritoryo ang Spratlys Island

0
45

Muling nanindigan ang China na bahagi ng kanilang teritoryo ang pinag-aagawang Nansha o Spratlys Island.

Ito’y ayon kay China Foreign Ministry Spokesperson Lu Kang, matapos umani ng batikos mula sa ilang grupo at mambabatas sa pilipinas ang mga namataang Chinese vessels sa paligid ng West Philippine Sea.

Kaunay nito, sinabi naman ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na hindi pahi-hintulutan ng pamahalaan ang pang-hihimasok na ito ng China sa teritoryo ng bansa.

Samantala, tiniyak naman ni kang na patuloy na nakikipag-ugnayan si Chinese President Xi Jinping kay Pangulong Rodrigo Duterte upang panatilihin ang kapayapaan sa pagitan ng dalawang bansa sa pinag-aagawang teritoryo.