Bantang pag-veto sa 2019 budget suportado ng Kamara at DBM

0
44

Suportado ng DBM o Department of Budget and Management ang bantang pag-veto ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2019 national budget.

Ayon kay DBM Officer-in-Charge Sec. Janet Abuel, isa sa kapangyarihan na ipinagkaloob ng saligang batas sa pangulo ang pag-veto sa panukalang pambansang budget.

Aniya, tiwala siya na ang magiging hakbang ni Pangulong Duterte ay makabubuti para sa bansa.

Samantala, ibinabala naman ng NEDA o National Economic and Development Authority na maaring bumagsak ang economic growth ng Pilipinas sa 4.2 percent kung aabutin ng isang taon ang paggamit sa re-enacted budget.


Andaya naniniwalang maibabalik ang 80-M pisong tinapyas sa proyekto ng pamahalaan

Naniniwala si House Appropriations Committee Chairman Rolando Andaya Jr., na maibabalik ang 80 bilyong pisong tinapyas ng senado sa proyekto ng pamahalaan.

Ito aniya ay kapag natuloy ang bantang pag-veto ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 3.7 trillion pesos sa proposed 2019 national budget dahil sa mga umano’y illegal re-alignments ng ilang mambabatas.

Ayon kay Andaya, suportado ng mababang kapulungan ng Kongreso anuman ang maging desisyon ng pangulo hinggil sa pambansang budget.

Aniya, sakaling mag desisyon ang pangulo na ituloy ang banta nito at gamitin na lamang ang re-enacted budget para sa isang buong taon ay maari nitong ibalik ang aniya’y bilyung-bilyong piso tinapyas ng senado sa Build, Build, Build program ng pamahalaan.

Matatandaang, una nang sinabi ni Andaya na lubhang naapektuhang ang nasabing proyekto ng pamahalaan dahil sa mga re-alignment ng mataas na kapulungan ng Kongreso sa nasabing 2019 national budget.