Thursday, May 9, 2024

Alan Peter Cayetano muling binatikos si Drilon

- Advertisement -

Muling binatikos ni House Speaker Alan Peter Cayetano si Senate Minority Leader Franklin Drilon.

Kaugnay pa rin ito ng naging pahayag ni Drilon na palpak at mabagal ang implementasyon ng Build, Build, Build Program ng pamahalaan.

Ayon kay Cayetano, inililihis lamang ni Drilon ang isyu dahil ‘di hamak na mas maraming nagawa ang kasalukuyang administrasyon kumpara noong panahon ni dating pangulong Benigno Aquino III.

Aniya, ang pilit kasing binabatikos ni Drilon ay ang flagship projects sa ilalim ng naturang programa gayong marami ng proyekto ang nakumpleto sa ilalim ng Build, Build, Build.

“Talagang paglilinlang ang sabihin na failure ang Build Build Build. Yung flagship programs alone, ang tiningnan lang ay kung anong naumpisahan at ano ang hindi samantalang syempre iba yung pag upo ni presidente (Duterte), ginagawa niya, iba yung nasa timeline niya, iba yung scratch ginawa (…) of the Build, Build, Build Program. Ang problema nga you can’t build overnight. But this year, next year and the last year of the president year 2022, makikita niyo yung resulta,” ani Cayetano.

Dagdag pa nito, hindi rin prayoridad ng Kamara na mabigyan ng emergency powers si Pangulong Rodrigo Duterte dahil mismong ang pangulo na aniya ang umayaw dito.

Una rito, inihain ni Albay Rep. Joey Salceda ang House Bill Number 5456 na layong bigyan ng emergency powers ang pangulo para mapabilis ang implementasyon ng Build, Build, Build.

Para naman sa Makabayan Bloc sa Kamara, hindi na kailangan pa ng pangulo ang emergency powers dahil maraming mamamayan ang maaapektuhan sa gagawing demolisyon sa ilalim ng poryekto.

“Kami ay naniwala sa Makabayan Bloc na hindi na kailangan pa ng emergency powers at sa katunayan, itong kanilang mga ambisyosong Build, Build, Build projects ay sila narin ang my kasalanan kung hindi nila maitutuloy ito. Hindi nila ito maitutulak dahil sa tingin nga namin, itong mga proyektong ito ay perwisyo pa nga sa mamamayan,” ani Zarate.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img