Malamig na panahon ramdam pa rin sa bansa

0
16

Ramdam pa rin ang malamig na temperatura sa malaking bahagi ng bansa ngayong umaga.

Ito, ayon sa PAGASA, ay dahil pa rin sa umiiral na Amihan sa buong bansa.

Narito ang mga lugar at temperatura na naitala ng PAGASA kaninang alas-5 ng umaga:

  • Baguio City —  12°C
  • Tanay, Rizal — 18.4°C
  • Laoag City — 18. 8°C
  • Malaybalay, Bukidnon — 19°C
  • Science Garden, Quezon City — 20. 4°C

Samantala, ngayong Valentine week ay inaasahan ang bahagyang paghina ng Amihan at inaasahan ang paglakas muli nito sa susunod na linggo.