Friday, May 3, 2024

NBA napagkasunduan na babawasan ng 25% sa sweldo ang mga manlalaro

- Advertisement -

Napagkasunduan na ng NBA at National Basketball Players Association na bawasan ng 25% ang sweldo ng lahat ng kanilang manlalaro simula sa Mayo 15.

Dahil sa kasunduan, magkakaroon na ng pa-unti-unting pagbawas sa sahod ng mga NBA players sakaling ganap nang mapagtibay ang force majeure provision ng kanilang collective bargaining agreement.

Ito naman ay sa oras na tuluyan nang makansela ang nalalabi pang season ng NBA bunsod naman ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Batay sa isinasaad ng force majeure provision, may karapatan ang NBA na baguhin o palitan ang nakukuhang sweldo ng mga manlalaro kung magkakaroon ng mga hindi inaasahang pangyayari na makakaapekto at makapagpapatigil sa mga laban.

Magugunitang sinuspinde ang 2019-2020 NBA season noong March 11 matapos magpositibo sa coronavirus ang isa sa kanilang manlalaro at bunsod na rin ng kinahaharap na COVID-19 pandemic.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img