Sunday, April 28, 2024

NBA magsasagawa ng coronavirus conference call

- Advertisement -

Pangungunahan nina NBA commissioner Adam Silver at players union head Michele Roberts ang isasagawang conference call para maplantsa ang posibleng pagbabalik-aksiyon ng liga.

Sa pamamagitan nito, mabibigyan umano ng pagkakataon ang mga manlalaro na mailatag ang mga nais nilang iparating sa liderato ng NBA sakaling matuloy ito.

Pinapayagan na ngayon ng liga ang pagbubukas ng mga practice facilities para makapagdaos ng limited workouts ang mga basketbolista.

Ayon naman kay Los Angeles Lakers head coach Frank Vogel, hindi nila minamadali ang pagbabalik nila sa kanilang training base dahil baka matagalan pa bago mabuksan muli ang NBA games.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -