Nangyaring sunog sa loob ng naval station sa Cavite iimbestigahan na

0
46

Pinaiimbestigahan na ni Philippine Navy Flag Officer in Command Vice Admiral Robert Empedrad ang nangyaring sunog sa isa sa mga “igloo” o imbakan ng armas sa loob ng naval ordinance depot sa Sangley Point, Cavite.

Magugunitang sumiklab ang sunog kaninang 5:30 ng umaga kahapon at idineklarang fireout ng mga operatiba ng BFP o Bureau of Fire Protection ilang oras lang ang nakalipas.

Gayunman, bantay sarado pa rin ang naval station sa lugar dahil sa posibilidad na may mga mangyari pa ring pagsabog kaya’t patuloy pa nila itong inoobserbahan.

Samantala, ayon naman kay Philippine Navy Spokesperson Cmdr. Jonathan Zata bilang bahagi ng kanilang procedure, ang mga adjacent offices maging ang mga residente mula sa kanilang on-base housing para sa mga sundalo ay naka alerto na rin at inabisuhan na magtungo sa designated evacuation areas.

Siniguro naman ni Zata na well trained at equipped ang kanilang ordnance personnel na mag handle sa nasabing sitwasyon.