33.5 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

25 pesos na umento sa suweldo epektibo na sa Nobyembre 27

- Advertisement -

Magiging epektibo na ang 25 pisong umento sa arawang sahod ng mga manggagawa sa Nobyembre 27.

Iyan ang tiniyak ni Labor Secretary Silvestre Bello III kasunod ng nakatakdang paglalabas ng wage order sa Lunes, Nobyembre 12.

Ayon kay Bello, magiging epektibo lamang aniya ang dagdag suweldo 15 araw matapos mailathala ito sa mga pahayagan.

Magugunitang nakasaad sa bagong wage order na kasama na sa 25 pisong umento ang sampung pisong pagtaas din sa cost of living allowance.

Kaya naman ang magiging minimum wage sa Metro Manila ay maglalaro mula 500 hanggang 537 piso.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -