DFA tuluyang kinansela ang lahat ng diplomatic passport ng mga dating ambassador ng bansa

0
49

Tuluyan nang kinansela ng DFA o Department of Foreign Affairs ang lahat ng diplomatic passport ng mga dating ambassador ng bansa.

Matatandaang sinabi ni DFA Sec Teodoro Locsin Jr na kakanselahin na ang lahat ng courtesy diplomatic passport kasunod ng nangyaring kay dating foreign affairs secretary Albert Del Rosario na hindi pinapasok sa Hong Kong.

Ayon kay Locsin, may kabuuang 172 ang mga kinanselang diplomatic passport.

Aniya, posible namang itong maibalik basta lumapit lamang sa kanya para ma – renew.

Una nang sinabi ni Locsin na hindi dapat diplomatic passport ang ginamit ni Del Rosario gayong hindi naman official business ang pakay nito sa naturang bansa.