Radio Philippines Network
Image default
Headlines National News

Nakatakdang one-on-one interview nina Duterte, Panelo muling kinansela

Muling ipinagpaliban ang nakatakdang tête-à-tête o one-on-one interview ni Pangulong Rodrigo Duterte kasama si Presidential Spokesperson Salvador Panelo kagabi.

Sa isinagawang televised announcement ni Panelo mula sa Malakanyang, kanyang sinabi na masama ang pakiramdam ng Pangulo.

Bunsod naman aniya ito ng magkakasunod na pulong na dinaluhan ni Pangulong Duterte noong Lunes kabilang na ang pakikipagkita kay outgoing New Zealand Ambassador to the Philippines David Strachan.

Dagdag ni Panelo, napagod din ang Pangulo sa pagbabasa at pag-aaral ng mga dokumentong nakatambak sa tanggapan nito.

Sinabi ni Panelo, posibleng itakda na lamang muli sa susunod na linggo ang one-on-one interview.

Una nang itinakda ang nabanggit na panayam noong Enero 22 pero kinansela bunsod ng mahalagang usaping pangpamilyang kinakailangang ayusin ng Pangulo.

Related posts

Duterte dinipensahan si Panelo

Powered by DWIZ

Kauna unahang apo sa tuhod ni Pangulong Duterte ipinakilala na

Powered by DWIZ

Angkas umaasang palalawigin pa ang kanilang pilot run

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More