Confirmatory test sa mga PUI sa novel coronavirus mapapabilis na — Domingo

Confirmatory test sa mga PUI sa novel coronavirus mapapabilis na — Domingo

by Powered by DWIZ
34 views

Tiniyak ng Department of Health (DOH) na mas magiging mabilis na ang pagproseso para sa confirmatory test ng mga posibleng infected ng novel coronavirus (2019-nCoV) sa bansa.

Ayon kay Health Undersecretary Eric Domingo, ito ay sa oras na dumating na sa Pilipinas ang kinakailangan nilang primer para sa nCoV ngayong linggo.

Paliwanag ni Domingo, wala pa silang kakayanan na matukoy kung apektado ng nCoV ang isang persons under investigation (PUI) sa bansa dahil sa kawalan ng nabanggit na primer.

Sa sandaling dumating na ito sa bansa, aabutin na lamang aniya ng dalawa hanggang tatlong araw ang pagsasailalim sa test ng mga PUI.

Sinabi ni Domingo, sa ngayon aniya ay umaabot ng halos isang linggo bago nila makuha ang resulta ng confirmatory test para sa nCoV mula sa isang laboratoryo sa Australia bunsod na rin ng ipinatutupad na mahigpit na seguridad.

We already identified a supplier outside of China that produces the primers and we already got the import permit from FDA. So, we believe in the next 48 hours we’re going to have the text available here,” ani Domingo.

0 comment

Related Posts