Kongreso ipinatawag si Duque hinggil sa mga hakbang ng DOH laban novel coronavirus sa bansa

Kongreso ipinatawag si Duque hinggil sa mga hakbang ng DOH laban novel coronavirus sa bansa

by Powered by DWIZ
20 views

Ipinatawag ng mababang kapulungan ng Kongreso si Health Secretary Francisco Duque III para sa itinakdang question hour ngayong araw.

Alinsunod ito sa inaprubahang mosyon ni Majority Leader Martin Romualdez na humihiling sa presensiya ni Duque sa kanilang sesyon.

Ito ay para aniya tanungin ang kalihim hinggil sa ipinatutupad na hakbang ng DOH para mapigilan ang pagpasok ng novel coronavirus sa bansa.

Nilinaw naman ni Romualdez na ang pagpapatawag kay Duque ay hindi bilang pagsasagawa ng imbestigasyon ng Kamara o layuning lumikha ng batas.

Bagkus ay bahagi aniya ito ng kanilang oversight function para mapahupa ang pangamba ng kani-kanilang mga nasasakupan bunsod ng balitang nakapasok na bansa ang nCoV.

0 comment

Related Posts