30 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

4 na laboratoryo para sa COVID-19 inaprubahan na ng RITM

- Advertisement -

Sinertipikahan na ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) ang apat na laboratory sa bansa para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, maari nang magsagawa at maglabas ng test results ang mga sumusunod na labarotoryo para sa COVID-19 testing:

Baguio General Hospital and Medical Center

San Lazaro Ospital

Vicente Sotto Memorial Medical Center

Southern Philippines Medical Center

Sinabi ni Vergeire, nabigyan ang mga nabanggit na ospital ng full certification kung saan nangangahulugan aniya ito na maari nang magsagawa ang mga nabanggit na laboratoryo ng kanilang COVID-19 testing nang hindi na bini-beripika pa ng RITM.

Dahil dito, sinabi ni Vergeire na asahan na ang pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa dahil dumarami na ang mga laboratoryo na maaring magsagawa at maglabas ng resulta.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -