37.7 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

Nadiskubreng illegal underground medical facility ikinabahala ng Malakanyang

- Advertisement -

Ikinaalarma ng Malakaniyang ang presensya nang nadiskubreng illegal medical facility para sa mga Chinese nationals na umano’y tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Binigyang diin ni Presidential Spokesman Harry Roque na tanging mga kuwalipikadong doktor ang maaaring mag-practice ng medisina sa bansa at ang mga gamot ay aprubado dapat ng Food and Drug Administration (FDA).

Sinabi ni Roque na kakasuhan ang mga nahuli sa Fontana Leisure Park dahil sa paglabag sa dalawang batas kaugnay sa pagpa-practice ng medisina ng walang lisensya at gumamit ng gamot na hindi aprubado ng FDA.

Una nang ni-raid ng mga pulis ang loob ng Fontana Leisure Park na ikinonvert sa isang pharmacy at seven bed hospital para sa Chinese nationals.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -