Mutual defense treaty obligation ng US sa Pinas tiniyak

0
61

Muling tiniyak ng Estados Unidos na handa silang tuparin ang kanilang obligasyon sa mutual defense treaty ng Pilipinas at Estados Unidos.

Inihayag ito ni U.S. Ambassador to the Philippines Sung Kim sa harap ng napaulat na anti-ship cruise missile test ng China sa pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea.

Kasabay nito, pinasaringan ni Kim ang China dahil sa kabiguan nitong tuparin ang pangako na ititigil nila ang militarisasyon sa South China Sea.