Lawak ng kayang puntiryahin sakaling magpakawala ng missile ang China ibinabala

0
46

Ibinabala ng maritime expert ang lawak ng kayang puntiryahin ng China sakaling maglunsad sila ng missile mula sa mga itinayo nilang artificial islands sa South China Sea.

Ayon kay Prof. Jay Batongbacal, abot ng surface to air missile ng China ang Palawan.

Ang buong Palawan, ibang bahagi ng Sulu Sea at Malaysia naman ang kayang tamaan ng anti-ship cruise missile na kamakailan ay napaulat na tinesting ng China.

Sinabi ni Batongbacal na pinakamatindi ang bomber at fighter aircraft dahil kaya nitong abutin ang buong Pilipinas, ang Brunei, Indonesia, Malaysia, Laos, Thailand, Taiwan at Java Sea.

Una nang ipinakita sa mapa ng Asia Maritime Transparency initiative ang lawak ng kayang puntiryahin kapag nagpakawala ng missile mula sa military base ng China sa South China Sea.